Thursday, November 4, 2021

Lucy Torres Gomez, Ipinasilip ang Kanyang Hilig at Talento sa Pag-aayos ng mga Bulaklak

Sa kabila ng hirap na dulot ng nararanasang pandemya, ay tila may maganda rin naman itong dulot sa atin. Kagaya na lamang nga ng pagdiskubre sa mga bagay na maaari pa lang magbigay sa atin ng saya. At maliban pa nga dito, ay nailalabas natin ang ating nakatagong hilig o talento.

Sa mahabang panahon nga na pananatili sa loob ng ating mga tahanan sa gitna ng pandemya, ay talaga marami sa atin ang nabagot at naghanap ng pagtutuunan ng oras. At ang ilan nga ay talagang natutong mag-alaga ng iba’t ibang klase ng halaman dahilan upang tawaging certified plantita o plantito. May ilan rin namang mas piniling pasukin ang online business upang magkaroon ng pagkakakitaan kahit nasa loob ng bahay.

Kagaya ng marami ay naging abala rin ang mag-asawang politician at TV personality na sina Richard Gomez at asawa nitong si Lucy Torres Gomez. Ngunit, kung ang ilan ay abala sa kanilang pagkakakitaan, ang mag-asawa ay naging abala sa paglilingkod at pagbibigay serbisyo sa kanilang nasasakupan sa bayan ng Ormoc. At dahil nga panahon ng pandemya, ay hindi nagkulang ang mag-asawang ipaabot ang kanilang tulong sa mga taong nangangailangan.

Bagama’t, abala ang Mayor ng Ormoc City na si Richard sa pagbibigay serbisyo sa kanyang mahal na bayan, ay naglalaan rin ng oras ang dating aktor para maenjoy niya ang kanyang mga nais gawin. Katulad na lamang nga ng kanyang online cooking show na “Goma at Home” na mapapanood sa kanyang YouTube channel na hatid ang masasarap na putahe na siya mismo ang nagluto.

Ang Congresswoman naman ng 4th district ng Leyte, ay naging abala sa mga gawaing bahay. Makikita nga sa Instagram ni Lucy ang ilan sa mga gawaing bahay na kanyang pinagkaabalahan sa gitna ng pandemya. Ilan nga sa mga ito ay pananahi ng punda at unan. Ipinakita rin niya ang pag-renovate ng kanilang kwarto at paggawa ng bahay ng kanilang mga alagang hayop.

Photo credits: Lucy Torres-Gomes | IG

Maliban pa dito, ay nakahiligin rin ni Lucy ang pag-aayos ng mga bulaklak na kanya namang ipinapasilip sa kanyang YouTube channel na “Love Lucy”. Ayon nga kay Lucy, ay matagal na siyang mahilig sa mga makukulay at magagandang bulaklak at nitong pandemya ay mas nagkaroon siya ng mas maraming oras para dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez)

Pagbabahagi pa ni Lucy ay lingguhan siya kung bumili ng bulaklak para ilagay at ayusin sa vase at gawing dekorasyon sa loob ng kanilang tahanan. Kapag nakakatanggap naman siya ng mga bouquet ng bulaklak para sa kanyang kaarawan o iba pang selebrasyon, ay masaya rin siya tinatanggal ang mga bulaklak sa bouquet at ayusin ito sa magaganda niyang flower vase.

Photo credits: Lucy Torres-Gomes | IG

Photo credits: Lucy Torres-Gomes | IG

Photo credits: Lucy Torres-Gomes | IG

Kahanga-hanga rin ang pagiging matipid at malikhain ni Lucy para sa kanyang hilig sa pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi lamang kasi basta-bastang flower vase ang ginagamit ni Lucy para sa kanyang mga bulaklak dahil nagrerecycle rin siya ng ilang gamit sa bahay para gawing flower vase.

Photo credits: Lucy Torres-Gomes | IG

Katulad na lamang nga ng tea pot na nasira ang takip na sa halip nga na itapon ay naisipan niyang gawing vase ng mga bulaklak na siya mismo ang nag-ayos.

Photo credits: Lucy Torres-Gomes | IG

Hindi naman maikakaila ang talento ni Lucy sa pag-aayos ng mga bulaklak dahil sadyang napakaganda nito. Napakaganda at nakakagaan rin ng pakiramdam ang makita ang makukulay na bulaklak sa loob ng tahanan.


Source: Ptama

0 comments: