Monday, August 9, 2021

Batang-bata at Inosenteng Mukha ni Jodi Sta. Maria sa Isang Lumang Larawan, Kinagiliwan ng Kanyang mga Tagahanga

Isa sa hindi makakalimutang yugto sa ating buhay at maituturing na pinakamasayang parte ng ating buhay ay ang pagiging isang bata. Kaya naman, ang mga masayang alaala ng ating childhood ay napakasarap naman talagang balikan.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

Maliban rito, ay malaking parte rin ng ating pagkatao ang ating kabataan. Kung kaya’t ang magandang alaala na dala ng kanyang kabataan na kay sarap balikan ay hindi nawawala sa puso’t isipan ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Sa murang edad ay pumasok na si Jodi sa industriya ng showbiz para ipamalas ang kanyang talento. At sa tinatahak na tagumpay ng karera niya ngayon, ay malaking parte rito ang kanyang childhood memories na kamakailan lamang ay masaya niyang binalikan.

Sa isang Instagram post, ay idinaan ni Jodi ang pagbabalik-tanaw sa kanyang masayang childhood life. Ibinahagi ng mahusay na aktres ang kanyang lumang litrato kung saan masisilayan ang kanyang batang-bata at inosenteng mukha na kinagiliwan ng kanyang mga tagahanga. At mapapansin sa lumang larawan na ito ng aktres ang kanyang masayang ngiti, na nagpapatunay ng kanyang masayang karanasan sa buhay noong maliit na bata pa lamang siya. Tila nga puno ng saya at kulay ang kabataan ni Jodi.

Sa caption pa nga ng kanyang post, ay inilahad ni Jodi kung gaano kasaya ang kanyang childhood na ang talagang pinakamasayang karanasan ay makipaglaro sa kanilang kapitbahay.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

“This photo brings back so many memories from my childhood.”

“Yung pakikipaglaro sa mga kapitbahay tatakas ako pero kahit mapagalitan sa pag-uwi okay narin.”

Ayon pa nga sa aktres, ay tumatakas umano siya para lamang makipaglaro sa kapitbahay, at madalas mapagalitan sa kanyang pag-uwi.

Inisa-isa rin ni Jodi ang mga larong hindi niya makalimutan na ginawa nila ng kanyang mga kalaro, pati na rin ang kanyang mga ginagawa noong bata pa lamang siya na talaga namang napakasaya.

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

“Do you remember touch taya? 10-20? Or yung plastic balloon na bawal bumagsak sa lupa pag napalobo mo na? Have you waited for the corn vendor shouting mais…mais…at si manong na nangongolekta ng dyaryo at bote kapalit ay chichirya?”

At tulad ng ibang bata, ay naranasan rin ni Jodi ang maligo sa ulan at hindi niya talaga ito nakalimutan.

“I also looked forward to rainy days where we were allowed to run around soaking wet.”

Credit: Jodi Sta. Maria | Instagram

Samantala, nabanggit rin ni Jodi na malaking parte ng buhay niya ngayon ang masaya niyang childhood. At ayon nga sa aktres, ang masayang tawanan at mga mini adventures ay nagturo sa kanya upang magkaroon ng kaligayahan sa buhay sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan.

“Our childhood plays a big part in who we are today. The simple joys, the contagious laughter, and the mini adventures have taught us that it takes very little to have a happy life.”


Source: Ptama

0 comments: