Wednesday, March 3, 2021

Manny Pacquiao, Naging Emosyunal Matapos Bumisita sa Bayan ng Kibawe, Bukidnon, Lugar Kung Saan Siya Ipinanganak

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami, kung gaano kayaman ang tinaguriang Pambansang Kamao at isa ng Senador ngayon na si Manny Pacquiao. Ngunit, bago niya makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon, ay hindi biro ang kanyang pinagdaanan.

Photo Credits: Google.com

Ang mga kataga ngang “rags to riches” ay talagang pinatunayan ni Manny. Bilang isang laki sa hirap, ay talagang karapat-dapat lamang na makamit niya ang tagumpay dahil sa kanyang pagsisikap at pagiging matiyaga sa buhay.

Photo Credits: Google.com

Sa mga hindi nakakaalam, ay ipinanganak si Manny sa liblib na lugar ng Barangay Magsaysay na matatagpuan sa Bayan ng Kibawe sa Bukidnon. At napakalayo nito sa kabihasnan, kung saan ay nasa itaas ito ng kabundukan na may lalo sa bayan ng 12 kilometro.

Photo Credits: Google.com

At kamakailan nga, nang bumisita ang Pambansang Kamao sa bayan na kanyang pinagmulan, ay hindi nito napigilan ang maging emosyunal. Mainit ang naging pagtanggap ng mga kababayan ni Manny sa kanya na talagang inabangan ang kanyang pagdating.

Photo Credits: Youtube.com

Masayang binalikan ni Manny sa kanyang kwento, ang buhay meron sila noong naninirahan pa lamang sila sa Barangay Magsaysay. Sino nga ba ang mag-aakalang napakahirap ng buhay nina Manny noon?

Photo Credits: Youtube.com

Ang kanilang bahay ay gawa sa pinagtagpi-tagping sako bilang dingding. Ang bubong naman nila ay yari sa dahon ng niyog. Samantalang ang kanilang sahig ay gawa naman sa kawayan. Talagang hindi maikakaila ang hirap na pinagdaanan sa buhay ng pamilya ni Manny. At ang kahirapan nga ang nagtulak sa kanya upang magsumikap at tuparin ang mga pangarap.

Photo Credits: Google.com

Saksi rin sa hirap ng buhay nina Manny noon ang dati nilang kapitbahay na hanggang ngayon ay doon pa rin naninirahan sa napakalayong lugar. Bukod nga sa napakalayo ang lalakarin patungo sa bayan, ay talagang hindi rin madali ang hanapbuhay sa lugar. Ngunit, sa kabila nga nito ay nanatiling matatag sa hamon ng buhay ang pamilya ni Manny hanggang lisanin na nila ang naturang lugar.

Samantala, habang nagkukwento si Manny sa harap ng kanyang mga kababayan ng kanyang nakaraan at hirap na pinagdaanan, ay hindi na nga niya napigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. At ang ilan nga sa mga tagapakinig ay napaluha na rin sa nakakaantig na kwento ng buhay ni Manny.

Isang inspirasyon nga ang hatid ni Manny sa nakararami. Isang kwento ng buhay, na talagang kapupulutan ng aral. Patunay nga nito, na sa kabila ng anumang hirap ay kayang lampasan kung magsusumikap sa buhay.


Source: Ptama

0 comments: