Saturday, February 27, 2021

Mana ng mga Anak at Apo ni Willie Revillame, Inihanda na ng TV Host Para Wala nang Problemahin ang mga ito Pagdating ng Panahon

Ang hinahangaan ng lahat na si Willie Revillame o Kuya Wil, ay kilala bilang isang mabuting tao sa kanyang programang Wowowin na napapanood sa GMA. Sa kanyang programa nga ay marami ang taong kanyang natutulungan.




Ngunit, maliban sa pagkakaroon ni Kuya Wil ng mabuting kalooban sa mga mahihirap, ay isa ring mabuting ama si Kuya Wil sa kanyang mga anak. At isa ring mapagmahal na lolo sa kanyang mga apo.

Si Kuya Wil ay may tatlong anak sa kanyang mga nakarelasyon. Ang panganay na si Meryll Soriano, ay anak niya kay Becbec Soriano. Ang pangalawa ay si Marimonte Shanelle Viduya-Revillame, na non-showbiz ang ina at sa Baguio naninirahan. Ang bunsong anak naman ni Kuya Wil ay si Juan Emmanuel na anak niya sa dating asawang si Liz Almoro-Aliwalas na may sariling pamilya na rin ngayon.

Tila naman ayaw nang mahiwalay ni Kuya Wil sa bagong silang niyang apo na anak ng kanyang panganay na si Meryll Soriano na si Baby Gido. Dahil, talagang natutuwa si Kuya Wil sa tuwing nakikita at nakakasama ang kanyang apo. Si Baby Gido ay anak ni Meryll kay Joem Bascon. Maliban naman sa 2 months old na baby na si Gido, ay may isa pang anak si Meryll. Siya si Elijah Palanca, 13 years old na anak naman niya sa dating asawang si Bernard Palanca.

Sa isang panayam sa online endorsement ay ibinahagi ni Kuya Wil kung gaano siya kasaya na makasama ang kanyang mga apo.

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang angking kayamanan ni Kuya Wil sa dami ng kanyang ari-arian. At sa nasabing online endorsement nga, ay nabanggit ni Kuya Wil na ang mana ng kanyang tatlong anak at dalawang apo, ay inihanda na niya para sa future ng mga ito.

Talaga nga namang napakapalad ng mga anak at apo ni Kuya Wil dahil ngayon pa lang ay inihanda na niya ang mamanahin ng mga ito upang pagdating ng panahon ay wala ng problemahin ang mga ito.

Bagama’t iba iba ang ina ng tatlong anak ni Kuya Wil, ay masaya naman siyang makita na malapit sa isa’t isa ang kanyang mga anak. Matatandaan nga nang minsang ibinigay ni Kuya Wil sa panganay niyang si Meryll na imanage ang kanilang negosyo, ay tinanggihan ito at ibinigay sa kanyang bunsong kapatid na si Juami.

“Siguro eventually, ako rin, pag-aaralan ko kasi masyadong bata pa si Juami,”saad ni Meryll.

Hindi naman maitatanggi na mahal na mahal ni Kuya Wil ang kanyang mga apo. Sa panayam nga sa Wowowin host ng 24 Oras, ay sinabi nito na nais niyang maging barkada ang kanyang apo paglaki ng mga ito.




“Hindi lang lolo, hindi lang apo, parang gusto ko na kaibigan mo, kabarkada mo ‘yung apo mo, ‘yung ganu’n. Kung ano ‘yung nakikita mo sa akin on TV, parang gusto ko ganu’n. ‘Yung iniinis mo, ‘yun ang gusto ko, eh.”

“Pag dinadala sa akin ni Meryll ‘yung bata, sabi ko, ‘eto ‘yung mga mag-aalaga sa akin, ‘yung mga batang ‘yun. Parang feeling ko, ganu’n na.”

Tunay nga na napakabuti ng puso ni Kuya Wil, hindi lamang nga sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa mga taong nangangailangan ng tulong. Kaya naman, maliban sa kanyang pamilya, ay mahal na mahal siya ng taumbayan na nagdarasal na bigyan pa siya ng mahabang buhay at malusog na pangangatawan upang mas marami pang matulungan.

“Every time na may nagba-Viber sa amin nagpapasalamat, pinapakita ‘yung pinamili, bigas, ‘yung gamot ng nanay, ‘yung gamot ng tatay. I think ‘yung realization nito is kailangan na kailangan natin ng tulong sa mga kababayan natin,” saad ni Willie.
“Minsan pag may nakikita akong bata, ‘Ito ako dati, dito ako nanggaling.’ So nararamdaman ko ‘yon.”


Source: Ptama

0 comments: