Saturday, January 16, 2021

“Wala naman. Ako lang naghahandle nang lahat ng pera niya.” Ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada, Inaming Hindi Nakakatanggap ng Komisyon Mula sa Perang Kinikita ng Kanyang Anak sa Showbiz

Batid na ng marami na ang humahawak sa perang kinikita ng aktor na si Daniel Padilla, ay ang kanyang ina na si Karla Estrada. At sa vlog nga ng dermatologist-to-the-stars na si Vicki Belo, ay pinag-usapan ng mga ito ang tungkol sa paghahawak ni Karla sa pera ng anak.




Ayon nga kay Karla, ay may sapat na pera na ang kanyang anak na si Daniel. Kahit pa nga raw tumigil ito sa pagtatrabaho sa edad na 35, at palakihin na lamang ang magiging mga anak, at mga apo, ay kaya na umano ni Daniel dahil nakapagtabi na raw ito.

“Meron na siyang savings niya na he’s good at 35 kahit di na siya magtrabaho hanggang apo niya. Nagtabi na tayo,”saad ni Karla.

Photo credits: Karla Estrada | IG

Hindi naman ito nakapagtataka dahil talagang kilala at sikat na aktor si Daniel sa showbiz, kung saan hindi nawawalan ng proyekto. At dahil nga, si Karla ang humahawak ng pera ni Daniel, ay nakakapagtabi ang aktor.

Samantala, nang tanungin naman ni Dr. Vicki Belo si Karla, kung may natatanggap siyang komisyon sa perang kinikita ni Daniel, ay naging tapat ang naging kasagutan nito. Pag-amin nga ni Karla ay hindi siya nakakatanggap ng komisyon mula sa anak. Paglilinaw naman ni Karla, ang perang kinikita umano ni Daniel ay para rin sa kanilang pamilya, kung kaya’t hindi na siya kumukuha at ipinagtatabi na lang ng savings ang anak.

“Wala naman. Ako lang naghahandle nang lahat ng pera niya. Eh kasi kung ano man gastos namin, para din ‘yun sa lahat. So, importante may natabi sa kanya.”

Photo credits: Karla Estrada | IG

Pagbabahagi naman ni Karla, ay hindi mahilig humingi ng pera si Daniel kapag hindi naman kailangan, maliban na lamang kung bibili ito ng sasakyan. Ngunit, kapag humingi nga ito, ay hindi birong halaga dahil mamahaling sasakyan ang mga binibili nito. Kilala rin si Daniel sa showbiz, bilang isa sa mga mahilig mangolekta ng magagarang sasakyan..




“Hindi naman siya palahingi. Hindi ‘yun humihingi ng pera … ng cash. Pero mag-alala ka nag ‘Ma’ na ‘yan. Iba-ibang tono ‘yan eh. ‘Pag ‘Hi, Ma!’ nako patay tayo diyan. ‘Oh Ma, may darating na sasakyan ha!’”

“Hindi siya humihingi [palagi] pero ‘pag humingi siya, kumapit ka na sa pader.”

Photo credits: Karla Estrada | IG

Ibinahagi rin ni Karla na nagdesisyon na siyang ipaubaya kay Daniel ang paghawak sa sarili nitong pera, upang malaman umano nito ang kahalagahan ng perang kinikita. Ayon nga kay Karla, ay makakatulong umano itong mabago ang pag-iisip ni Daniel  pagdating sa pera, at maramdaman nito ang pakiramdam kapag nakitang nababawasan ang perang nasa savings nito.

Photo credits: Karla Estrada | IG

“Ngayon, ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng pera niya para maramdaman niya ang feeling ‘pag nahawakan niya ‘pag babawasan niya ng ganito kalaki. Mararamdaman niya ‘yung feeling na ‘Ah, sayang’ Di niya kasi hawak eh. Kaya easy for him to say na ‘Oh Ma, bayaran mo ito. Oh Ma, may kukunin ako dito!’


Source: Ptama

0 comments: