Vlogger na si Zeinab Harake at Boyfriend Nitong si Skusta Clee Kasama ang Kanilang mga Malalapit na Kaibigan, Nag Gender Reveal sa Pamamagitan ng Fireworks
Matapos ang pagsubok na kinaharap ng relasyon sa pagitan ng vlogger na si Zeinab Harake at sikat na rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skuta Clee, ang dalawa nga ay muling nagkabalikan at inayos ang mga gusot sa kanilang relasyon.
Pinatunayan nga ng magkasintahan ang kasabihan na “love is sweeter the second time around”. Ito nga dahil mas lalo nilang pinaramdam ang tamis ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa sa pangalawang pagkakataon.
At sa pangalawang pagkakataon, ay hindi lamang pagmamahal sa isa’t isa ang magpapatibay ng kanilang relasyon ngayon, dahil mas lalo itong pagtitibayin ng bagong biyayang ipinagkaloob sa kanila. Ito nga ay ang batang dinadala sa sinapupunan ni Zeinab.
Photo credits: Zeinab Harake | Youtube
Matatandaan na matapos mapabalita ang muli nilang pagbabalikan, ay ibinahagi naman ni Zeinab ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ni Skuta Clee noong ika-1 ng Disyembre 2020 sa kanyang vlog na pinamagatang “Birthday Surprise Revelation”.
Photo credits: Zeinab Harake | Youtube
At nito lamang nga ika-17 ng Enero taong kasalukuyan ay ibinunyag na ng magkasintahan ang kasarian ng kanilang magiging panganay na anak. Sa latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ipinasilip ni Zeinab ang mga naging kaganapan sa gender reveal party.
Photo credits: Zeinab Harake | Youtube
Kasama ang pamilya at kanilang malalapit na kaibigan, ay sabay-sabay nilang natunghayan ang gender ng kanilang magiging anak. At bilang mga first time parents ay hindi maitago ang excitement nina Zeinab at Skuta Clee. Ayon nga kay Zeinab, ay gusto niya ng babae ngunit kutob niya ay lalaki, kasalungat naman nito ang nais ni Skuta Clee na lalaki ang nais, pero kutob ay babae.
Photo credits: Zeinab Harake | Youtube
Samantala, ang mga kaibigan naman ng dalawa, ay nahati ang kanilang kutob. Ang singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome, ay lalaki ang hula sa ipinagbubuntis ni Zeinab, samantalang ang aktres na si Loisa Andalio naman ay babae ang hula. Nagpalaro naman si Zeinab sa kanyang mga kasamahan, kung saan ay bibigyan niya ng P5,000 ang makahula ng tama.
Photo credits: Zeinab Harake | Youtube
Sa isang yate ginanap ang gender reveal kung saan ay may kakaibang paandar. Ito nga ay dahil mabubunyag ang gender ng kanilang anak, sa pamamagitan ng kulay ng fireworks. Kapag kulay pink ay babae, at kapag kulay blue naman ay lalaki.
At nang magsimula na nga ang fireworks display at matapos ang count down, ay lumabas ang kulay pink na fireworks sa kalangitan. Ibig sabihin lamang nito ay isang babae ang dinadala ng vlogger sa kanyang sinapupunan.
Hindi na nga napigil pa ni Zeinab ang kanyang emosyon, at naiyak sa labis na kaligayahan. Isa namang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Skuta Clee sa kanyang nobya. Masayang-masaya rin si Skuta Clee sa biyayang ipinakaloob sa kanila.
Photo credits: Zeinab Harake | Youtube
May “mini me” na nga si Zeinab na inaasahang isilang ngayong taon. Hindi matatawaran ang kaligayahang hatid nito kay Zeinab dahil ang gusto niya talaga ay baby girl. At ang wish ngang ito ng vlogger na kanyang ipinagdarasal ay natupad.
“Di kayang tumbasan ng kahit na ano yung saya na meron ako ngayon,”masayang pahayag ni Zeinab.
Source: Ptama
0 comments: