Saturday, December 5, 2020

Mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford, Enjoy na Enjoy sa Kanilang Kauna-unahang Bakasyon na Kasama ang Kanilang Anak na si Baby Amari

Ngayong panahon ng magkakasunod na pagsubok na kinaharap ng bawat isa, magmula sa mapaminsalang bagyo, at sa hindi natatapos na suliranin sa pandemya, ang tanging hangad ng karamihan ay magkaroon ng panandaliang bakasyon upang malibang at maibsan ang bigat na dinadala sa dibdib.

Kaya naman, hangga’t may pagkakataon, ay hindi ito pinapalampas ng ilan lalo na kung ang makakasama sa bakasyon ay pamilya o kaya naman ay mga mahal sa buhay.




Isa nga sa mga naglalaan ng oras na makasama ang pamilya sa bakasyon kahit may pandemya, ay ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford. Noon pa man ay madalas nang mag-out of town ang mag-asawa, ngunit sa pagkakataong ito ay espesyal ang kanilang bakasyon. Ito nga ay dahil sa unang pagkakataon ay kasama nila ang kanilang anak na si Baby Amari.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

At kamakailan nga, ay masayang ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram, ang masayang bakasyon ng kanilang pamilya sa napakagandang resort na “The Farm” na matatagpuan sa San Benito sa Batangas.

Sa Instagram post ni Coleen, ay nagawa niyang magbiro patungkol sa dinanas nila sa biyahe. Ayon sa post ng aktres, ay inabot umano sila ng apat na oras sa gitna ng traffic habang kasama ang kanilang anak na si Baby Amari,kaya naman, nais pa niya ng isa pang bakasyon.

“All smiles in @thefarmatsanbenito (because they now accept @lyka.global gems!), but the car ride was a different story. 4 hours of traffic is one thing. 4 hours of traffic with Amari is I already need another vacation lol.”

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Tila nga medyo nahirapan si Coleen sa pag-aalaga sa anak sa loob ng sasakyan sa gitna ng traffic. Ngunit, nang sumapit naman sa napakagandang resort, ay walang pagsidlan ang new mommy na si Coleen nang makabonding ang anak.

Samantala, nagbahagi rin si Billy sa kanyang Instagram ng larawan ni Baby Amari habang sakay sa stroller. Makikita nga na talagang enjoy na enjoy ang pamilya sa kanilang bakasyon.




“First out of town trip with our little angel Amari! We are one with nature! Getting all that fresh air in our system,”caption sa post ni Billy.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Hindi rin nawala sa masayang bakasyon ang napakacute na alagang aso ng mag-asawa na si Tamomo. Makikita nga na sa bawat larawan ng pamilya, ay kasama rin ang malambing na aso.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Maliban nga kay Baby Amari,agaw-pansin rin sa mga netizens ang cute na cute na asong si Tamomo, at nagbigay pa ng komento ang mga ito.

“Family ❤️ but can’t help but notice the Cutie dogie… ❤️😍”

“Beautiful Family. Plus the cute pup behind😍”

 


Source: Ptama

0 comments: