Monday, November 9, 2020

Seksi Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Ibinahagi kung Bakit Single pa din Siya Hangang Ngayon “Takot parin sila manligaw”

Kahit pa sobrang ganda, sexy at successful na ng actress-vlogger na si Ivana Alawi, ay inamin nito na hanggang ngayon ay “single” pa rin siya, na binubuhos ang kanyang panahon at oras sa kanyang pamilya at trabaho.
Sa isang naging panayam sa aktres-vlogger na si Ivana Alawi, ay inamin ng aktres na hanggang nagyon ay wala pa rin siya karelasyon, at nanatiling “single.”

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Ngunit sa kabila nito, ay kontento naman umano si Ivana sa pagiging ‘single’, ito ay dahil sa mas marami pa siyang nailalaan na oras na maka-bonding ang kanyang ina at mga kapatid. Ibinahagi rin ng aktres, na kaya siya nanatiling “single”, ay dahil sa tila walang may lakas ng loob na manligaw sa kanya.




“Yung mukha ko daw, nakaka-intimidate so lagi silang i-intimidate sa mukha ko. Minsan may taong natatakot manligaw and hanggang ngayon ganun pa rin yung feeling. Takot pa rin sila manligaw [laughing]”, ang naging saad nga ng aktres.

Samantala, kahit pa nga ba nanatiling “single” ang aktres ngayon, ay tuloy tuloy naman ang pag-ganda ng kanyang karera sa showbiz industry, kung saan ay nito lamang nakaraan, ay nagkaroon muli ng bagong proyekto si Ivana, at ito nga ay ang pagbida niya sa iWant TFC twin-bill horror film na “Sitsit”, na nalalapit ng ipalabas ngayong taon.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Ibinahagi pa ng ang 23-taong gulang na aktres, na ang pagiging isang aswang na may pagka-ambisyosang prostitute ang gagampanan niyang karakter sa nasabing pelikula.




Off-camera naman, ay inamin ni Ivana, na tila may kakaiba siyang naramdaman na presensya sa lugar kung saan nila isinu-shoot ang pelikula.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

“We started na parang mabigat, kasi yung character. Nagtatrabaho sila bilang binabayaran na babae tapos parang babawi ka sa huli so parang itotodo mo siya sa dulo na yung pagbawi mo talagang mababaliw ka.

Wala namang paramormal, pero yung place na pinag-shootingan naming, mabigat. Takot akong umakyat. Takot akong bumaba. Kasi never naman akong nakakita pero basta yung feeling mon a mabigat na may something dito so hindi na siya in-explore [laugh]”, ang naging saad ng ani Ivana.


Source: Ptama

0 comments: