Manny Pacquiao may “Hero” na sa Larong ML, Matapos Maging Bagong Ambassador ng Mobile Legends
Nito lamang nakaraan ay kinilala bilang bagong Ambassador ng popular na larong “Mobile Legends: Bang Bang” ang ating Pambansang Kamao at Senator na si Manny Pacquiao.
Dahil dito, ay mayroon ring bagong ipakikilalang bagong karakater sa nasabing popular na laro, at ito nga ay ang hero character na si “Paquito”, na kinuha at binase sa bagong ambassador na si Manny Pacquiao.
Photo credits: google.com
Batid natin na isa ang larong “Mobile Legends” sa mga popular na nilalaro ngayon ng mga kabataan sa ating bansa, kung saan maging mga may edad na ay nagagawa ring laruin ito at kaaliwan ito.
Matatandaan na ang mobile multi player online battle arena na Mobile Legends ay ginawa ng Moontoon, at unang inilabas noong taong 2016, kung saan ay agad itong umani ng popularidad sa mga bansa sa South East Asia. Ang popular na laro ring ito online ay isa sa mga nagkaroon ng medalya sa ginanap na sports competition sa Southeast Asian Games noong taong 2019.
Photo credits: google.com
Samantala, ibinahagi naman ng business manager ni Manny Pacquiao na si Arnold Vegafria, na ang endorsement fee na matatanggap ni Manny, sa naging pakikipag-deal nila sa “Mobile Legends”, ay gagamitin sa pagbibigay pondo sa relief operation na isinasagawa ng senador para sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagy0.
Photo credits: google.com
“Yung mga endorsements niya, ibibigay niya for the relief operations niya at ibibigay niya sa tao. Umiikot kasi talaga siya e” ang naging saad ni Vegafria.
Ibinahagi rin ni Vegafria, na inabot ng halos dalawang buwan bago na-secure ang deal nila sa “Mobile Legends.” At ito umano ay nagustuhan ng Pambansang Kamao, dahil maging ang kanyang mga anak, ay nilalaro rin ito.
“Naglalaro sila during their bonding moments at home.”
“Ang maganda may Filipino hero character na rin sa game”, ang naging dagdag pa ni Vegafria.
Photo credits: google.com
Nagkaroon na rin ng deal si Manny Pacquiao sa mga Globe Telecoms, kung saan ay sinigurado na ng mga ito ang boxer’s streaming ay mapapanood na sa mga Upstreams.
Ibig sabihin nga nito, ay maaari ng mapanood lovcally online sa mga cellphones sa ang mga darating na laban ni Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao .
Source: Ptama
0 comments: