Jason Francisco at Melai Cantiveros, Time Out muna sa Trabaho at Nagrelax Kasama ang Pamilya sa Isang Wellness Spa and Resort sa Lipa Batangas
Isang masayang family bonding ang ginawa ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco sa naging pagdiriwang ng kaarawan ni Jason.
Upang masulit ang araw ng kanilang maikling bakasyon, at makapa-enjoy ng lubusan, ay naisipan ng mag-asawa na gawin ang selebrasyon ng kaarawan ni Jason sa Lipa City, Batangas kung saan ay kasama rin nila ang kanilang dawalang anak na sina Mela at Stela.
Sa naging maikli nga nilang bakasyon na ito, ay nabigyan ng pagkakataon ang mag-asawa na makapag-date at makapag-relax.
Sinubukan nina Melai at Jason ang water wellness treatment, Healing Sanctuary Aqua Bar sa Lipa City, kung saanang wellness treatment na ito ay makakatulong upang madetoxify ang katawan, mapapababa ang anxiety level, at nagpapaganda rin ito ng kutis ng balat.
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Makikita nga sa mga larawan ng mag-asawa na kuha habang sila ay nagpapa-wellness treatment, na talaga namang relax na relax at enjoy na enjoy sila.
Mapapansin rin sa larawan, ang nakakabighaning lugar na ito, kung saan ay sadyang napakaganda, napakalinis, at napaka-aliwalas ng kapaligiran. Napapalibutan ito ng mga luntiang halaman, kaya naman ang hangin ay talagang masasabi natin na malinis at napaka-presko sa pakiramdam.
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Samantala, matapos naman ang naging pagpa-wellness treatment ng mag-asawa, ay isang masarap na family dinner naman ang pinagsaluhan nilang magpapamilya.
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Photo credits: Melason | Youtube
Ipinakita naman ng anak ng mag-asawa na si Mela sa pamamagitan ng video, ang masasarap na pagkain na nakahain sa kanilang hapag na pagsasaluhan nila, pati na rin ang slice cake na para sa kaarawan ng kanyang daddy [Jayson].
Mapapansin naman na sa batang edad ni Mela, na mahusay na ito kumuha ng video.
Sa huling parte naman ng video, ay makikita kung gaano kaasikaso si Melai sa kanyang dalawang anak na si Mela at Stela, at ganun rin sa kanyang asawang si Jason.
Matatandaan na ang mag-asawang Jason at Melai, ay unang nagkakakilala ng sa Pinoy Big Brother House, kung saan silang dalawa ay parehong naging housemates. Sa loob ng bahay rin nagsimula ang kanilang love story.
Ikinasal sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa Holy Cross Parish sa General Santos City, noong ika-9 ng Disyembre taong 2013.
Source: Ptama
0 comments: