Tuesday, November 10, 2020

Coleen Garcia, Ibinahagi ang Karanasan Bilang Isang First Time Mom sa Panganay na Anak nila ni Billy Crawford

Hindi madali ang maging isang ina, magmula nga sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga ng sanggol ay talagang mararanasan ang hirap. Ngunit, sa kabila nga nito ay nananatiling matatag ang mga ina ng tahanan at lakas loob na hinaharap ang mga hamon ng buhay na kaakibat ng isang ina.




Katulad na lamang first time mommy na si Coleen Garcia na malaki ang ginagawang adjustment sa kanyang pang-araw-araw na buhay magampanan lamang ang tungkulin niya bilang isang ina sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford.

Ika-10 ng Setyembre nang isilang ni Mommy Coleen ang isang napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Amari. At kamakailan nga, ay ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang first time mom.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

“From the day na nanganak ako, wala pa akong buong tulog”, ito nga ang saad ng aktres nang makapanayam sa programang I Feel U. Ayon nga rito, magmula nang isilang niya si Baby Amari, ay patuloy parin ang ginagawa niyang adjustment kung saan ay sinisikap niyang pagsabayin ang pag-aalaga kay Baby Amari habang pinapalakas rin ang sarili.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Pagbabahagi rin ni first time Mommy Coleen, ay nagkaroon rin siya ng pagbabago sa kanyang diet kung saan ay kailangan niyang kumain kada 2 oras upang mapunan ang nutrition na kinakailangan ni Baby Amari at para magkaroon siya ng sapat na gatas. At kailangan rin niyang kumain upang huwag siyang mawalan ng lakas.

“I always have to be eating and everything. Totoo ‘yung sinasabi din nila na your body is no longer yours.”

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Ayon pa kay Mommy Coleen, ay nais niyang makasama at alagaan ng mabuti si Baby Amari habang may pagkakataon pa ngayong panahon ng pandemya, dahil kapag bumalik na sa normal ang lahat at nagkaroon na siyang muli ng trabaho, ay baka magbago na rin ang lahat.




“Our journey is quite unique kasi this all happened while we are on lockdown. It’s still hard to imagine what normal life is going to be like. Kasi kahit naman nung buntis ako, naka-lockdown na. It’s hard to be imagine what it will be like when it is back to work, when I start going out again. Excited din naman ako for that because everything is really going to be different.”

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Kahit nga mahirap ang mag-alaga ng sanggol, ay patuloy umanong ginagawa ni Mommy Coleen ang lahat ng kanyang makakaya upang magampanan ang kanyang tungkulin at maibigay ang makakabuti kay Baby Amari.

“I know I am not perfect, there are so many things to learn but I am so determined. Even like nung una, ‘yung breastfeeding nahirapan talaga ako and I thought na it was going to be hard for me. To push and to continue to move forward and to continue to try—it’s really not going to be easy. But as long as we have the attitude na we want to keep trying, we want to keep doing the best we can, then at least we will be doing better than we were yesterday.”

Tunay nga na gagawin ng isang ina ang lahat maibigay lamang ang kailangan ng mga anak. Ang mga ina, bagama’t napapagod at nahihirapan sa pag-aalaga ng mga anak ay hindi sumusuko, bagkus ay patuloy na lumalaban at nagiging matatag alang-alang sa mga anak.


Source: Ptama

0 comments: