Scarlet Snow Belo, Naging Emosyunal Matapos Magpaalam sa Kanyang Yaya Anita na Nakasama Niya ng Mahabang Panahon
Ang mga kilala nating personalidad sa industriya ng showbiz, ay palaging abala sa kanilang mga trabaho kung kaya’t kumukuha sila ng mga kasambahay na mag-aasikaso sa kanilang tahanan at mag-aalaga sa kanilang mga anak.
Katulad na lamang ng celebrity doctor na sina Vicki Belo at Hayden Kho na kumuha ng kasambahay upang may makatulong sila sa mga gawaing bahay sa loob ng kanilang tahanan.
Siya nga si Yaya Anita na matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya bilang kasambahay. Ngunit, maliban sa pagiging kasambahay, ay nag-aalaga rin si Yaya Anita sa anak ng mag-asawa na si Scarlet Snow Belo. Sa katagalan nga ng pamamalagi ni Yaya Anita sa tahanan ng mga Belo, at pag-aalaga kay Scarlet ay naging malapit na ang napakacute na bata sa kanyang Yaya Anita.
Kaya naman, naging emosyunal si Scarlet sa kanyang Instagram post, matapos magpaalam sa kanyang Yaya Anita na ngayon nga ay uuwi na sa kanilang probinsya. Sa post ni Scarlet ay magkahalong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman.
Ayon nga sa mensahe ni Scarlet para sa kanyang Yaya Anita, siya ay nalulungkot dahil uuwi na sa kanilang probinsya ang kanyang Yaya Anita. Sa kabilang banda, ay masaya naman si Scarlet, dahil sa loob mahabang panahong pagkakalayo ay makikita at makakasama na rin ni Yaya Anita ang kanyang anak.

Photo credit: scarletsnowbelo | Instagram
“It’s sad because my Yaya @athena1974 is going home na to her province. But I’m happy for her because she will see her daughter again after being away for so long,”
caption sa post ni Scarlet.
Pag-amin naman ni Scarlet, ay umiyak siya ng umiyak nang malaman niya na aalis na ang kanyang Yaya Anita upang umuwi sa probinsya. Hiling naman ni Scarlet, ay sana malakas ang internet connection sa lugar ng kanyang Yaya Anita upang patuloy ang kanilang komunikasyon.
“I cried and cried this morning when she was leaving. I hope their internet in their province would be fast so we can keep in touch.”
Hindi rin naitago ni Scarlet ang emosyon sa kanyang post, kung saan ay talagang mamimiss niya ang kanyang Yaya Anita. Nagpasalamat rin si Scarlet sa kabutihan ng kanyang Yaya Anita, sa pag-aalaga at pagturo ng kabutihang asal sa kanya. Pagtatapos naman ni Scarlet, ay palagi umano niyang ipagdadasal ang kanyang mahal na Yaya Anita.
“I will miss you so much, Yaya. Thank you for loving me and taking care of me and teaching me good values. I will never look for another Yaya. Please also keep your promise that you won’t be a Yaya to someone else, ok! We will be praying for you all the time.”
Maging ang mommy ni Scarlet na si Dra. Vicki Belo, ay nagpost rin sa kanyang Instagram ng video ng emosyunal na pamamaalam ni Scarlet sa kanyang Yaya Anita. Nilakipan niya naman ito ng caption na naglalaman ng pagpapasalamat sa pag-aalaga kay Scarlet.
“Goodbye Yaya Anita. Thank you for taking such good care of @scarletsnowbelo. Scarlet’s trying to be brave but she’s been crying all day.”
View this post on Instagram
Matatandaan naman na noong 2018, ay ibinahagi ni Scarlet sa kanyang Facebook account na ang kanyang Yaya Anita ay dating nagtatrabaho sa kanyang mga magulang, ngunit noong limang buwang gulang na siya, ay ito na ang nag-alaga sa kanya hanggang sa ngayong malaki na siya.
Source: Ptama
0 comments: