Michelle Madrigal at Asawa nitong si Troy Woolfolk, Binunyag na Nagsimula ang Kanilang Love Story sa Dating App na Tinder
Ang ilan nga sa atin ay tila nawawalan na ng pag-asa na matagpuan ang taong magiging kabiyak ng ating puso. Ngunit, sa kabila nito ay hindi naman natin hinahayaang dumating ang oras na mag-isa nating haharapin ang bukas. Kaya naman, kahit gaano kahirap, ay umaasa parin tayong may taong itinakda ang tadhana upang makasama habang-buhay.
At dahil nga sa makabagong teknolohiya, kung saan ay naimbento na ang mga dating app at dating sites, ay nagkaroon ng pag-asa ang mga pusong nangungulila na mahanap ang kabiyak ng kanilang puso.
Isa ngang inspirasyon ang hatid ng dating aktres na si Michelle Madrigal at asawa nitong si Troy Woolfolk, matapos ibahagi ang kanilang nakakakilig na love story na nagsimula sa dating app na Tinder.
Maraming netizens napa-sana all sa kwento ng pagsisimula ng love story nina Michelle at Troy, dahil sadyang napakapalad ng mag-asawa at kanilang natagpuan ang pag-ibig na hinahangad sa Tinder. Ito nga ay matapos mag-post ang isang netizen sa Twitter ng maikling video na kuha sa vlog sa YouTube Channel ng mag-asawang Troy at Michelle, kung saan tampok ang “Q&A”, mula sa kanilang mga tagahanga. At isa nga sa mga katanungan na sinagot ng mag-asawa ay kung paano sila nagkakilala.
At nabunyag nga na nagsimula ang lahat sa “swipe right love story” sa dating app na Tinder. Ayon nga kay Troy, ay nagsimula ang lahat sa pag-swipe swipe lamang, kung saan ay binigyan umano siya ni Michelle ng star.
“Tinder. Swipe swipe. She gave me the star. I was the Star of the Day.”
Pagsang-ayon naman ng dating aktres, matapos magkakilala sa dating app ay nagpasya silang magkita sa personal. Hanggang ang kanilang pagkikita ay nasundan pa ng maraming beses. At ang mga sumunod na kaganapan, ay matatawag ng history.
“Yeah. We met through Tinder, a dating app. We went out. We did start talking on like a weekend. Sunday, right? Where we swiped. And then we met up on a Wednesday and then we went out again on a Saturday with his friends. And the rest is history.”
At tila nga, natagpuan na nila ang tunay at wagas na pag-ibig sa isa’t isa. Kaya naman, noong 2019 ay wala na ngang nakapigil pa sa kanila upang magpakasal sa Texas. Ngayon nga, ay napakasaya ng kanilang pagsasama na binigyang kulay naman ng kanilang napakacute na anak na si Anika.
Talaga nga namang may “forever” sa dating app, kaya naman, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga taong hanggang ngayon ay hinahanap parin ang kabiyak ng puso. Dahil, tiyak na may inilaan ang tadhana na tamang tao sa tamang panahon. Patunay riyan ang mag-asawang Michelle at Troy na ngayon ay nilalasap na ang tamis ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa.
Source: Ptama
0 comments: