Dating Guro, Hinahangaan Ngayon Dahil sa Kabila ng Pagkakaroon ng “Dystonia” Masigasig Pa Rin Niyang Tinuturuan ang Kanyang mga Pamangkin
Sa kabila ng kapansanan dahil sa pagkakaroon ng sakit na ‘dystonia’, ay hindi pa rin maiaalis sa dating guro na kinilalang si Harold Dauantes ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa kanyang dating propesyon.
Noon umano ay isang palangiti, palatawa, at butihing guro si Harold kung ilarawan ng kanyang mga dating estudyante. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago ng siya ay dapuan ng isang karamdaman na kung tawagin nga ay ang ‘dystonia’.
Ang ‘dystonia’ ay isang disorder kung saan hindi makontrol ang pag-urong ng kalamnan ng tao, at dahilan ito upang bumaluktot ang ilang mga apektadong parte ng katawan nito.
Base sa naging pagsasalaysay, isang dating masiglang guro si Harold Dauantes, kung saan siya ay nagtuturo ng asignaturang Matimatika sa mga mag-aaral ng Malandag National High School sa probinsiya ng Malungon, Saranggani. Ngunit, siya’y maagang nagretiro sa kanyang pagiging isang guro, ito ay matapos siyang dapuan ng ‘dystonia’ na pinaniniwalaan na ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ay nagsimula ng siya ay ma-mild stroke noong taong 2012, at magkaroon ng pamumuo ng dugo sa kanyang utak.

Imahe nagmula via Deped Facebook
Sa ibinahaging kwento ng Deped Tayo Sarangani, ay makikita ang larawan ng dating guro na si Harold kasama ang kanyang kapatid rin na guro na si Cathy, kung saan ay ikinuwento ni Cathy na sa kabila ng karamdaman ng kapatid niyang si Harold na ‘dystonia’ ay nanatili pa rin ang dedikasyon nito sa pagtuturo, at sa katunayan nga ay napakahusay nito sa lahat ng asignatura, kaya sa kabila ng karamdaman ay nagagawa pa rin nitong turuan ang mga pamangkin nito sa pag-aaral ng mga ito.

Imahe nagmula via Deped Facebook
Ayon pa nga kay Cathy, kahit siya ay tinutulungan ng kanyang kapatid na si Harold pagdating sa kanyang research.
“Sa katunayan, pati sa research ko, tinutulungan niya ako. Hindi naman kasi apektado ang kanyang pag-iisip’, ang naging saad ngani Cathy.
Sa kabila nga ng karamdaman ni Harold na ‘dystonia’ ay hindi naman nagbago ang husay ng pag-iisip nito, kaya naman hindi naging hadlang ang kanyang karamdaman upang hindi niy magawa ang simpleng paraan ng pagturo, sa kanyang mga pamangkin o sa kanyang kapatid na isang guro.
Makikita naman na sa naging post na ito ng DepEd Saranggani, ay marami sa mga dating estudaynte ni Harold ang nagbigay ng paghanga sa kanya, at inalala ng mga ito kung gaano kabuti at kahusay ang kanilang butihing guro.

Imahe nagmula via Deped Facebook
Narito nga ang ilan sa mga naging mensahe ng mga dating estudyante ni Harold;
“So proud, na naging part ka ng success ko sir Harold. One of a kind teacher way back high school days.”
“hello, sir Harold, my classmate in college, matalino, mabait, masayahin na tao. Laban lang sir. God bless you.”
“Sir Dauantes ay naging teacher ko moong 3rd year high school ako. Napakabuti niya pong guro sa aming lahat na kanyang mga naging estudyante. Napakalungkot pong isipin sir na nakikita ka po namin kayong nagkakaganyan. Palagi ko po kayong isasama sa’ming dalangin at ipagpe-prayer request po kita sa aming service.”
Samantala, dahil naman sa naging post na ito ng DepEd Saranggani, ay marami sa mga netizens na nakakita ng sitwasyon na ito ng dating guro na si Harold ang nananawagan na sana ay matulungan ito, upang mas mapabuti ang kundisyon nito at kung mayroon pang paraan upang masolusyunan ang karamdaman na nararamdaman ng dating guro.
Source: Ptama
0 comments: