Barangay Ginebra San Miguel Player na si Scottie Thompson, Ipinasilip ang kanyang Napakagandang Bahay na Bunga ng kanyang Pagsisikap
Kung isa ka sa tagahanga ng larong basketball at tagasuporta ng kupunang Barangay Ginebra San Miguel sa PBA, tiyak na kilalang-kilala mo ang mahusay na manlalaro na si Scottie Thompson.
Si Earl Scottie Thompson o mas kilala bilang Scottie Thompson sa larangan ng basketball ay isang professional basketball player ng PBA at kabilang sa kupunan ng Barangay Ginebra San Miguel. Bata pa lamang si Scottie ay malaki na ang pagkahilig niya sa larong basketball at iba pang sports. Bagay na dinala niya hanggang sa kanyang paglaki at naging dahilan upang tuluyan niyang pasukin ang larangan ng basketball.
Si Scottie ay nagsimulang maglaro ng basketball noong siya ay nasa Highschool pa lamang. Pagtuntong naman niya ng kolehiyo ay mas lalo pa niyang pinatunayan ang kanyang husay nang napabilang sa basketball team ng University of Perpetual kung saan nakakuha siya ng scholarship. Dito na nga nagsimulang mamayagpag ang karera niya sa larangan ng basketball nang maging kalahok siya at ilaban sa NCAA. Sa unang pagkakataon ay agad niyang nakamit ang parangal na Most Valuable Player sa NCAA noong 2014.
At noong 2015 nga, ay naging ganap na siyang manlalaro ng PBA at napabilang sa team ng Barangay Ginebra San Miguel. Sa pangalawang pagkakataon naman ay muli niyang nakamit ang parangal bilang Most Valuable Player sa PBA 2018 Commissioner’s Cup. Napabilang rin siya sa Sinag Pilipinas team kung saan ay nagwagi ng gold medals noong 2015 sa Southeast Asian Games at sa kaparehong taon sa SEABA Championship.
Dahil nga sa kanyang pagpupursige at pagsusumikap sa buhay, ay hindi nakapagtataka na ang lahat ng kanyang pagod at hirap ay nagbunga na. At ang kahanga-hanga pa rito, sa edad na 27 taong gulang, ay agad niyang natupad ang pangarap niyang makapagpundar ng sariling bahay na bunga ng kanyang pagsisikap.
Maliban naman sa pagiging isang basketbolista, naging libangan naman ni Scottie ang vlogging. At noong ika-14 ng Setyembre, ay ibinahagi niya ang house tour vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. Kung saan ay proud niyang inilibot ang kanyang mga tagahanga sa napakalawak at napakaganda niyang bahay.
Sa pagbukas ng pinto ng kanyang tahanan, una niyang ipinasyal ang kanyang mga tagahanga sa ikalawang palapag ng bahay. Pag-akyat pa lang sa hagdan ng 2nd floor ay sasalubong na agad ang mga jersey na naka-frame. Ito nga ang mga jersey na isinuot ni Scottie na may mahalagang papel sa kanyang mga laro na kung saan ay nagkamit siya ng parangal.
Sa 2nd floor matatagpuan ang mga bedrooms ng kanyang tahanan. May 4 bedrooms ang bahay na ito ni Scottie, kabilang na rito ang master’s bedroom.
Ang dalawang silid ay magsisilbing silid ng magiging anak nila ng kanyang girlfriend na si Pau Fajardo, ngunit ngayon nga na wala pa silang anak ay nagsisilbi muna ito guest room.
Ipinasilip rin ni Scottie ang master’s bedroom kung saan silang magkasintahan natutulog. Makikita rito ang open-closet ni Scottie, ayon nga sa basketbolista ay hindi na niya nilagyan pa ng pinto ang closet dahil palagi niyang nakakalimutan ang pagsasara ng pinto.
May sarili namang walk-in closet ang kanyang girlfriend na makikita naman patungo sa kanilang bathroom. Ang bathroom naman ng magkasintahan ay may temang gold, dahil mahilig umano si Pau sa naturang kulay.
Ipinakita rin ni Scottie ang kanyang mga mamahaling sapatos na bigay umano sa kanya ng mga sponsors at kanyang girlfriend. Maging ang koleksyon ng mga sombrero tulad ng Lakers na bigay rin sa kanya, ay ipinasilip rin ng basketbolista.
Sa ngayon, ay hanggang dito lamang ang ipinasilip ni Scottie dahil ang kanyang house tour ay may part 2 na dapat abangan. At sa part 2 nga, ipapasilip naman ni Scottie ang kanyang man cave at ibang bahagi ng kanyang napakagandang bahay.
Source: Ptama
0 comments: