Angelica Panganiban, Aminadong Hindi na Niya Kayang Maging Boyfriend Ulit ang Aktor na si John Lloyd Cruz
Ang magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu ay nagdiwang kamakailan ng kanilang friendship anniversary kung saan ay nagkaroon sila ng bakasyon sa Subic, Zambales. Ang kanilang pagkakaibigan ay tinawag ng tatlo bilang “AngBeKi”. At sa kanilang bakasyon ay nagkaroon sila ng iba’t ibang klaseng activity na talaga namang kanilang na-enjoy.
Isa na nga rito, ang “Jojowain o Totropahin Challenge” na napuno ng saya at tawanan habang kanilang ginagawa. Sa vlog ni Kim, mapapanood ang kanilang masayang pagsagot kung sino sa tingin nila ang kanilang nais maging nobyo at kaibigan kung bibigyan ng pagkakataon.
Upang simulan ang challenge ay pinangunahan ito ni Kim. Unang nagbanggit ang aktres ng mga Hollywood male stars tulad nina David Beckham at Ryan Gosling kung saan ay parehong Jojowain nina Kim at Angelica, samantalang si Bela ay Totropahin ang naging kasagutan.
Samantala, nagkaroon naman ng excitement ang bawat isa sa pagsagot sa challenge nang madako na sa Pinoy male celebrities. Ilan nga sa mga pinagpilian ay sina Jericho Rosales at Paulo Avelino na sinagot nina Bela at Angelica ng Totropahin, samantalang si Kim naman ay Jojowain ang naging sagot. Kaya naman, agad na nagsabi si Kim sa kanyang nobyo na si Xian Lim na laro lamang ito at hindi dapat seryosohin.
Samantala, hindi naman nakapagpigil si Angelica na ipakita ang kanyang sentimyento nang mabanggit ang pangalan ng aktor na si John Lloyd Cruz. Ang unang sumagot sa kanilang tatlo ay si Bela at sinabi na nais niya itong maging kaibigan.
“Sa ugali niya ngayon, kung nasan siya ngayon, totropahin,” pahayag ni Bela.
Agad namang nag-react si Angelica at nagbiro na kung nasaan man ngayon ang aktor at mahanap ay magparamdam umano ito sa kanya at magpaalam kahit sa huling pagkakataon.
Nagbase naman si Angelica ng kanyang kasagutan sa larawan ng aktor. Ayon nga rito, habang nakatingin sa larawan ay jojowain niya umano ito. Ngunit, sa huli ay sinabi ng aktres na hindi na niya kayang jowain ulit ang dating nobyo.
“Sa picture niya na ‘yan jojowain kaya lang ‘di ko talaga kayang jowain ‘yan eh.”
Matatandaan na taong 2012 ng kumpirmahin nina John Lloyd at Angelica ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Ngunit, noong taong 2016 ay nagwakas rin ang kanilang pagmamahalan. Ito nga ay kinumpirma ng dalawa, matapos pag-usapan ng publiko na sila ay hiwalay na.
Ngayon ay may anak na si John Lloyd sa sexy actress na si Ellen Adarna, ngunit hiwalay na rin ang mga ito. Bagama’t hiwalay na ay nagkasundo naman ang dalawa na magkaroon ng co-parenting set up upang mapalaki ng maayos ang kanilang anak. Magmula taong 2017, ay hindi na nasilayan si John Lloyd sa telebisyon, at mas pinili na lamang nito na magkaroon ng simple at tahimik na buhay.
Source: Ptama
0 comments: