Silipin Ang Masayang Adventure ni Zsa Zsa Padilla sa Napakagandang Lugar ng Atimonan sa Probinsya ng Quezon
Isang masayang adventure ang hatid ng aktres na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang mga tagahanga kamakailan. Dahil sa kanyang latest vlog ay tampok ang kanyang masayang paglalakbay sa napakagandang lugar sa Atimonan, Quezon.
Noong ika-16 ng Oktubre, ay masayang ibinahagi ni Zsa Zsa sa kanyang mga tagahanga sa kanyang vlog ang ganda ng Atimonan. Magmula sa dagat hanggang sa kabundukan ay tiyak na hahangaan ng sinuman ang gandang hatid nito.
Makikita nga sa vlog ni Zsa Zsa na talagang nag-eenjoy siya at marami ang mga natutunang bagay sa kanyang paglalakbay.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Sa simula ng vlog ni Zsa Zsa, una niyang ipinasilip ang Fish port ng Atimonan. At habang nasa lugar, ay ibinahagi ng aktres na paborito niya ang pamamalengke.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Una pa lang ay makikita na talagang magiging exciting at masaya ang magaganap na adventure ni Zsa Zsa. At ang unang ginawa ng aktres, ay nag-snorkeling sa dagat. Ayon nga kay Zsa Zsa, kahit umano gustuhin niyang mag-dive sa ilalim ng dagat ay hindi niya magawa, dahil hindi umano siya mahusay sa paglangoy. Sa kabila nito, ay enjoy na enjoy naman siya sa ginagawa kahit nasa mababaw lang na parte ng tubig.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Nagkaroon rin ng isang masarap na pagkain si Zsa Zsa, kung saan ay nagluto siya ng sariwang isda gamit ang bato o tinawag na “stone cooking”. Ang bato ay nilagyan olive oil bago isalang ang isda. At nang maluto nga ay makikita na talagang nasarapan ang aktres sa sariwang isda na pinaresan naman ng kanin at pangat sa katmon.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Matapos naman ang masayang adventure sa dagat, sumunod naman ang masayang paglalakbay ni Zsa Zsa sa kabundukan. Nakapag-trekking siya sa protected landscape ng Quezon kung saan matapos ang dalawang oras na paglalakad paakyat sa kabundukan ay narating niya ang Pinagbanderahan Summit na may 1,201ft above sea level.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Habang nasa daan nga ay maraming natutunan si Zsa Zsa patungkol sa kabundukan. Isa na nga rito kahanga-hangang puno, na sa unang tingin ay balete. Ngunit, ayon nga sa tour guide ay hindi ito balete dahil marami itong butas, kundi isa itong buto na dala ng ibon mula sa taas at hindi naman itinanim. Ito nga ay tinawag na lamang ni Zsa Zsa na parasite tree.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Agaw pansin naman ang ganda ng isang napakataas na puno. Ito naman ay tinawag na Tangis tree o ang puno na hindi umano magagawang akyatin ng mga bayawak. At kung sa tao naman daw, ito ay maaaring pagsabihan ng mga taong may pagtangis sa buhay. Kaya naman, hindi pinalampas ni Zsa Zsa ang pagkakataong lapitan at kausapin ang puno.
“take away my sadness tree, takes away the worlds sadness. thank you thank you tree.”
Labis naman ang pagkamangha ni Zsa Zsa nang marating na ang kanilang destinasyon. Tila ng lahat ng hirap at pagod sa kanyang paglalakad paakyat sa bundok ay napawi matapos masilayan ang napakagandang tanawin. Dito na nga niya inenjoy ang sarili at kumuha ng mga magagandang larawan.
Photo credits: Zha zha Padilla | Youtube
Hinangaan naman ng mga netizens ang masayang adventure na ito ni Zsa Zsa. Narito ang kanilang komento.
“Wow great place ingat po lagi lodz godbless.”
“Wonderful post! Nice and refreshing. nature trips are the best. Thanks for using your influence the right way – promoting a healthy lifestyle and Philippines eco tourism!”
“Thanks for touring us in Atimonan.. great shared.”
Source: Ptama
0 comments: