Solenn Heusaff, Inamin na 9 na Buwan Nang Hindi Nakikipag-love Making sa Asawang si Nico Bolzico, Ibinahagi niya ang Kanyang Dahilan
Parte na ng pagsasama at buhay mag-asawa ang magkaroon ng romansa upang maging masaya at makulay ang pagsasama. Nakakatulong rin ito upang mapanatiling matatag ang relasyon bilang mag-asawa. Ang pagkakaroon rin ng “loving-loving” ng mag-asawa ay paraan rin upang makabuo ng isang sanggol na siyang kokompleto sa pamilya.
Ngunit, ang celebrity mom na si Solenn Heussaff ay may inamin patungkol sa buhay mag-asawa nila ng kanyang mister na si Nico Bolzico.
Sa latest vlog na mapapanood sa Youtube Channel ni Solenn, tampok ang mga paniniwala o kasabihan patungkol sa pagbubuntis. Ngunit, ang higit na pumukaw sa interes ng kanilang mga tagahanga ay ang kawalan ng “love maing” sa kanilang pagsasama.

Photo credits: Nico Bolzico | Instagram
Nabunyag sa latest vlog nilang mag-asawa, at diretsahang inamin ni Solenn na magmula manganak siya noong January 1 kay Baby Thylane, ay hindi pa sila nag-“loving-loving” ng kanyang asawang si Nico.
Ibig sabihin nga nito ay halos 9 na buwan na silang hindi nagtatalik ng kanyang asawa mula nang isilang si Baby Thylane. Ngunit, ang kalagayan ng mag-asawa ay may malaking rason. Ito nga ay ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang latest vlog.
Sa nasabing vlog, ay ibinahagi nina Solenn at Nico ang hirap at sakripisyong kanilang pinagdaanan bilang mga first time parents. Samantala, ikwinento naman ni Solenn ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayaw niyang makipagtalik sa kanyang asawa si Nico.

Photo credits: Nico Bolzico | Instagram
Ayon nga kay Solenn, ay natatakot umano siyang makipag-love making kay Nico kahit pa siyam na buwan na ang nakalipas. At isa nga sa personal na dahilan ng aktres ay kanyang pagiging cesarean na kung saan ay talagang natatakot siya at hindi pa siya handa.
“Personally, that was C-section. I don’t know if that was just subconsciously in my head, but we are chopped down there from nine different layers. So I’m still a little bit scared and I’m not yet ready to be quite honest. I know, it’s been a while,”paliwanag ni Solenn.
Marahil, ang ibang nanay umano ay magtataka kung bakit ganoon na lamang ang pagkatakot niya. Ngunit, naging matapat ang aktres sa kanyang mga pahayag. At ito nga ang katotohanan sa likod ng hindi nila pagtatalik ng kanyang asawa.
“I know some moms are like ‘What the?’ But that’s the truth.”

Photo credits: Nico Bolzico | Instagram
Samantala, kung anuman ang desisyon ni Solenn ay inirerespeto ito ng kanyang asawang si Nico. Ayon pa nga kay Nico, ay handa umano siyang mag-antay anumang oras na maging handa na si Solenn na ipagkaloob ang kanyang sarili.
“They are the bosses. If they want to go back into the action, we should be ready. If they want to wait, we should be ready. If they want to try and then they stop, we should be ready. If they want to go to different direction from before, we should be ready. I’m ready. I’m waiting. And I’m not in a rush.”
Samantala, isa rin sa tinalakay ng mag-asawa sa kanilang vlog ay ang maling paniniwala ng ilan na ang mga anak umano ay nakakasira ng buhay.
Ayon nga sa mag-asawa ang magkaroon ng biyaya at mapagkalooban ng anak ay isa sa pinakamaligayang sandali ng buhay nila.

Photo credits: Nico Bolzico | Instagram
Ayon kay Solenn, magmula ng maging isang ganap siyang ina ay marami siyang bagay na natutunan. At ang pagkakaroon ng anak ang dahilan kung bakit masayang-masaya siya ngayon.
“Having a kid does not ruin your life. It just adds a different branch. I have learned so much being a mom. I have learned a new side of me that I didn’t know before whom I love. I can’t remember life without my child. I’m the happiest I could be right now because of my child.”

Photo credits: Nico Bolzico | Instagram
Samantala, pahayag naman ni Nico, ang pagkakaroon ng anak ay hindi nakakasira ng buhay, bagkus ito pa nga ang dahilan kung bakit mas gumaganda ang buhay at napapaunlad ang sarili upang maging mabuting tao.
“It doesn’t ruin your life. It makes your life a thousand times better. I mean we’re enjoying life in a way at the level we never did before having Thylane. And I think the most important is like having a child also makes you a better person. It makes you more humble, it makes you shift priorities.”
View this post on Instagram
Source: Ptama
0 comments: