Singer-Actor na si Ronnie Liang, Patuloy ang Pagseserbisyo sa Bayan Bilang Frontliner, Isa na ring Entreprenuer Ngayon
Ang singer na si Ronnie Liang ay nakilala ng publiko dahil sa kanyang magandang tinig at mahusay na talento sa pag-awit. At isa nga sa pinakasikat niyang kanta ay ang OPM hit song na “Ngiti”. Ngunit, maliban sa pagiging singer, ay pinasok na rin ni Ronnie ay maglingkod sa bayan.
Matatandaan na noon lamang nakaraang taon nang makagraduate si Ronnie sa pagkapiloto. Pero nagpatuloy pa siyang mangarap na kung saan ay pinasok na rin ang pagiging army reservist. At ngayong panahon nga ng pandemya ay malaking papel ang kanyang ginampanan bilang isang frontliner.
View this post on Instagram
Hindi nga nagsasawang magpaabot ng tulong ang singer sa mga nangangailangan nating kababayan na nakikipagsapalaran sa COVID-19. At bilang isang army, maliban sa responsibilad niya na gawin ang tungkulin, ay hindi naman maitatanggi na lumalabas talaga ang kanyang kabutihang loob na makatulong sa kapwa. Naka-assign nga siya sa checkpoints, at minsan naman ay nagsusundo at naghahatid sa mga medical worker. Maging pagtulong sa pamimigay ng relief goods sa mga kapus-palad ay ginagawa rin niya.
Matatandaan na kamakailan lamang nang ipamalas ni Ronnie ang kanyang pagkakaroon ng mabuting kalooban matapos magpaabot ng tulong sa mga LSI. Ang mga locally stranded individual (LSI) sa Rizal Stadium ay tinulungan ng singer sa pamamagitan ng pamimigay ng plane tickets sa mga piling pamilya para makauwi sa kanilang probinsya.
View this post on Instagram
Samantala, maliban naman sa pagiging butihing frontliner, ay pinasok na rin ni Ronnie ang pagnenegosyo. Ito nga ang negosyo niya na pinangalanang “HeHeals Wellness Center.”
Hindi naman nalalayo sa pangangailangan ng tao ang ipinatayo niyang negosyo. Dahil nga, may kinalaman rin ito sa kalusugan upang magkaroon ng malakas na pangangatawan sa lalo na sa panahon ng sakit tulad ng COVID-19.
View this post on Instagram
Ayon nga kay Ronnie, sa panahon ng pandemya ay mahalagang magkaroon ng malusog na pangangatawan, kung kaya’t isang Wellness Center ang naisip niyang itayong negosyo.
“Sabi nga nila, in the midst of chaos, there is also a good opportunity. The name of my business is HeHeals Wellness Center. Lalo na sa panahon ngayon, we need to really take care of ourselves. It’s important to have a healthy living. I want to build a business that will journey with people in attaining quality of life.”
View this post on Instagram
Tunay nga na isang achievers si Ronnie sa kanyang tinatahak na landas. At ang tanging hangad niya ay makatulong sa mga nangangailangan at pagsilbihan ang taumbayan.
Samantala, hindi naman nawala ang kanyang pagiging isang mahusay na singer. Sa katunayan nga nito ay available na ang bago niyang kanta sa mga digital music. Ito nga ang “Awit Kawal” na dedicated sa mga sundalo na namatay sa Sulu. Ito ay composed ng award-winning composer na si George Canseco and written by Lieutenant General Edilbero.
Source: Ptama
0 comments: