Nadine Lustre Rumaraket na Rin Ngayon sa Pagtitinda Online ng Kanyang mga Flower Arrangement
Isa sa mga naging apektado ng krisis na kinakaharap natin ngayon, ay ang industriya ng showbiz kung saan ay marami sa mga artista ngayon ang talaga namang apektado ng tinatawag natin ngayon na “new normal.”
At dahil nga sa new normal, ay marami sa proyekto sa showbiz ang kanselado, kaya naman marami ang mga aktres na nabawasan ng mga proyekto at trabaho kaya’t naisip na lamang ng iba na rumaket upang maging produktibo sa kabila ng pagkakaroon ng quarantine.
Marami sa ating mga kababayan ngayon, ang sa halip na sayangin ang oras nila sa pagtambay sa loob ng bahay, ay ginawa itong kapaki-pakinabang, kung saan ay marami ang naka-isip na dumiskarte upang sa kabila ng pananatili sa loob ng tahanan, ay mayroon pa rin silang ekstrang napgkakakitaan.
Isa na nga sa mga ito ay ang aktres na si Nadine Lustre, kung saan ay ang kanyang pagkahilig at libangan sap ag-aarrange ng mga bulaklak, ay pinagkakakitaan na rin ngayon ng aktres.
Base sa naging ulat ng ABS-CBN , abala ngayon ang aktres na si Nadine Lustre, sa kanyang hilig sa pag-aarrange ng mga bulaklak. At ito nga ay ipinasilip ng aktres sa kanyang Instagram account. Inamin rin ni Nadine, na maliban sa na-eenjoy niya ang ginagawa niyang ito, ay pinagkakakitaan na rin niya ito ngayon, dahil sa binebenta na rin niya ang mga ito online sa account na @ms.bettyblooms.

Photo credits | Nadine | Instagram
Ayon pa nga sa Instagram post ng aktres, na ang kanyang mga gawa na flower arrangement ay makikita at itinitinda sa @ms.bettyblooms. Ipinakita rin ni Nadine, ang mga vases na gawa sa mga PU foam, na ginagamit niya kapag siya ay nag-aarrange ng mga bulaklak.

Photo credits | Nadine | Instagram

Photo credits | Nadine | Instagram
Maliban nga sa pagiging isnag aktres ng ABS-CBN, ay isa ring singer, at endorser rin si Nadine Lustre. Isa nga sa mga popular na produkto na kanyang ine-endorso ngayon ang at mga swim essentials ng international brand na H&M, kung saan ay kasama niya sa proyektong ito ang isa rin sa mga sikat na aktres na si Maja Salvador.

Photo credits: ms.bettyblooms | Instagram
Matatandaan naman, na noong nakaraang taon, ay ini-launch ni Nadine Lustre ang kanyang perfume brand na “Luster”, at taong 2018 naman ng makipag-collaborate ang aktres sa make-up brand na BYS Cosmetics.

Photo credits: ms.bettyblooms | Instagram
Sa kasalukuyan, ay wala pang nagiging pahayag si Nadine Lustre, sa kung ano ang magiging plano niya pagdating sa kanyang career bilang isang artista. Ito ay matapos mag-shut down ng ABS-CBN, kung saan siya nabibilang bilang isang aktres.

Photo credits: ms.bettyblooms | Instagram
Tingnan naman sa Instagram ni Nadine, ang ilan pa sa kanyang ga ginawang flower arrangement, na talaga namang nagpapapakita ng kanyang natatagong talento dahil sa napakagaganda ng kanyang mga gawa.
Source: Ptama
0 comments: