Andi Eigenmann, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Iniwan ang Kasikatan at Marangyang Pamumuhay Kapalit ng Paninirahan sa Isla ng Siargao
Ang dating aktres na ngayon nga ay island girl na si Andi Eigenmann ay matapang na tinalikuran ang kasikatan sa showbiz at marangyang pamumuhay sa lungsod upang masaya at tahimik na mamuhay sa isla ng Siargao.
Naging isang bukas na libro na nga ang buhay ni Andi habang namumuhay ng simple at masaya sa Isla ng Siargao kasama ang kanyang mga anak sina Ellie at Baby Lilo, kasama rin niya ang kanyang partner na si Philmar Alipayo.
Matatandaan na taong 2018 nang magpasya si Andi na tuluyang iwan ang showbiz at nakagisnang pamumuhay sa lungsod upang manirahan sa isla. At magmula nga noon ay nagbago na ang kanyang buhay kung saan natagpuan niya ang sariling kalayaan at kaligayahan.
Ngunit, bago pa man matagpuan ni Andi ang sarili na masayang namumuhay sa isla, ay may mga pinagdaanan siya dahilan upang piliin ang manirahan na lamang sa isla. Ito nga ang ibinahagi ng dating aktres sa programang “I Feel U”, nang makapanayam siya ng host na si Toni Gonzaga nito lamang ika-27 ng Setyembre, araw ng Linggo.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Sa naging panayam, ay hindi naiwasan ni Andi na magbalik-tanaw sa dahilan kung bakit siya nagpasyang iwan ang kasikatan upang tahimik na mamuhay sa isla. Pagsisimula ni Andi, ay napakabata pa niya noon at hindi pa gaanong kilala ang sarili. Nakaramdam rin umano siya na tila may kulang sa kanyang sarili na nagdulot sa kanya ng kalungkutan kung kaya’t nagpasya siya na magpahinga muna upang hanapin ang sarili at kanyang kaligayahan.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Paglilinaw naman ni Andi, ay hindi naman daw niya tinakbuhan ang showbiz dahil ang talagang nais niya ay makapagpahinga lamang. Ngunit, nang matagpuan nga ang kaligayahan, matapos ang kanyang mga pinagdaanan ay talaga namang nagdulot ito sa kanya ng labis na saya na kung saan ay nagugustuhan na niya ang buhay na meron siya ngayon.
“Hindi ko naman tinakbuhan yung public per se. It’s just that I wanted a break. Parang ngayon, ang sarap ng pakiramdam na pagkatapos ko pagdaanan yun, ngayon well-adjusted na ako sa buhay na pinili ko at sa mas ginugusto kong buhay, na tinatanggap siya ng mga tao.”

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Ibinahagi rin ng island girl, kung ano ang bagay na pinakanagustuhan niya sa isla ng Siargao. At ito nga ang kalayaan at kapayapaan na ayon kay Andi ay nagagawa niya ang mga bagay na nais niya ng walang sinuman ang nanghuhusga sa kanya.
“I guess it’s a sense of freedom and peace. I get to be, who I want to be or who I really am without anybody judging me.”
Maliban dito, ay naikwento rin ni Andi na noon pa mang maliit na bata pa lamang siya ay pangarap na talaga niya ang manirahan sa isla.
“It was my dream for so long, ever since I was a little girl. So parang that feeling of giving myself the dream life that I’ve always wanted allows me to be my best self, be happy.”

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram
Ngayon nga, ay talagang masayang-masaya si Andi sa kanyang simpleng pamumuhay sa isla kasama ang kanyang mapagmahal na partner na si Philmar at kanyang mga anak. At ang kanilang masayang pagsasama, ay biniyayaan na naman ng isa pang baby na kanilang masisilayan sa susunod na taon.
Source: Ptama
0 comments: